Sunday, February 26, 2006

Ang may lamat na banga

Sa India, mayroong isang Aguador na may dala-dalang dalawang malaking banga, na nakasabit sa dalawang magkabilang dulo ng kanyang pingga na nakapasan sa kanyang balika. Subalit, isa sa mga banga ay mayroong lamat, habang ang isa naman ay buo at laging naihahatid ng puno ang tubig sa kabilang ibayo sa mahabang paglalakbay mula sa batisan tungo doon sa bahay ng kanyang panginoon, sa kabilang dako ang may lamat na banga ay hanggang sa kalahati lamang ang naihahatid.

Sa loob ng dalawang taon, araw-araw ang Aguador ay nakakapaghatid lamang ng isa't kalahating banga ng tubig sa bahay ng panginoon. Syempre ang buong banga ang buong pagmamalaki sa kanyang mga nagagawa, maayos hanggang huli ang pagkakagawa sa kanya. Ngunit, ang mahirap na may lamat na banga ay nahihiya sa kanyang mga kahinaan, at nanlulumo sa kanyang mga sinapit na kalahati lamang ang kanyang nagagawa. Paglipas ng dalawang taon, na sa pananaw ng may lamat na banga siya ay nasa mapait na kabiguan, isang araw ito ay nagsalita sa aguador sa may tabi ng batisn.

"Ako'y nahihiya sa aking sarili , at gusto kong humingi ng paumanhin sa inyo." "Bakit?" tanong ng Aguador. "Ano ang ikinakahiya mo?" "Kasi po sa nakalipas na dalawang taon, nakakapaghatid lamang po ako ng kalahati sa aking dala-dala sapagkat itong lamat sa tagiliran ko ang nagiging sanhi kung kaya't ang tubig ay patuloy sa pagtagas sa daan papunta sa bahay ng inyong panginoon. At dahil sa aking kapintasan, ginagawa ko ang lahat ng aking magagawa at hinfi man lamang mabigyan ng pagpapahalaga sa aking mga pagsusumikap," tugon ng banga.

Ang Aquador ay lubhang humingi ng paumanhin sa winika ng matandang may lamat ang banga, at sa knayang pagmamalasakit ay sinabi niya, "Sa ating pagbabalikasa bahay ng aking panginoon, gusto kong mapuna mo ang magagandang bulaklak sa kahabaan ng daan."

Habang sila ay umaakyat sa burol, napansin ng matandang may lamat na banga ang araw na nagbibigay init sa mga naggagandahang mga bulaklak sa kabilan dako ng daan, at ito's kanilang ikinagagalak. Ngunit sa pagtatapos ng kanilang mahabang paglalakbay, naalala uli ng matandang banga ang kanyang kahinaan at ito'y humingi muli ng kapatawaran sa Aguador dahil sa kanilang kabiguan.

Ang Aguador ay nagsalita muli sa matandang banga ng ganito, "Napansin mo na ba na mayroon lamang mga bulaklak doon sa isang bahagi ng daan, ngunit wala man lamang doon sa bahagi ng buong banga?"

Sapagkat una pa lamang ay alam ko na ang iyong kahinaan, at ito'y ginamit ko para sa kapakinabangan. Ako'y nagtanim ng mga buto ng bulaklak sa bahagi ng daan mo, at sa araw-araw na tayo's dumadaan dito mula sa batisan ay waring nadidiligan mo ang mgat ito. At sa loob ng dalawang taon ay nakakapitas ako ng mga naggagandahang mga bulaklak na inilalabay ko naman sa hapag ng aking panginoon.

Kung wala kang gnayang kapintasan, wala din sanang ganitong kagandang bahay ang aking panginoon." Tayong lahat ay mayroong kanya-kanyang kahinaan at kapintasan. Tayong ngang lahat ay may mga lamat na banga. Subalit kung ito'y ipapaubaya natin, ang Panginoon mismo ang gagamit sa ating kahinaan para bigyang ningning ang hapag ng ating Amang Sumasalangit.

Sa ekonomiya ng Diyos, walang anumang bagay ang nasasayang sapagkat lahat ay mahalaga. Habang tayo'y patuloy sa pagtuklas ng paraan upang makapaglingkod ng sama-sama, at ang pagkatawag sa iyo ng Diyos sa isang gawaing itinalaga sa iyo, huwag kang matakot sa iyong mga kahinaan. Tanggapin mo ang mga iyon, at hayaan mo gamitin ng Diyos ang mga iyon sa kapakinabangan, at ikaw rin, ay pwedeng maging sanhi ng kagandahan sa kanyang daraanan. HUMAYO NG MAY KATAPANGAN AT ISIPIN LAGI NA SA ATING MGA KAHINAAN TAYO NAMA'Y MAKASUSUMPONG NG KANYANG KALAKASAN, at dahil dito, "Sa lahat ng Kanyang mga ipinangako lahat ito'y tiyak niyang tutuparin."

No comments: