Mahusay na naganapan ni Cesar Montano ang papel na isang pagbansang bayani. Mahusay siyang magsalita ng Espanyol at iba pang wika na alam kong lubos nyang pinag-aralan para sa pelikulang ito. Mahusay din si Marilou Diaz_Abaya sa pag-director nitong pelikula. Isang pelikulang maipagmamalaki ng mga Pilipino sa buong mundo at hindi nga ba’t tumangap ang pelikulang ito ng mapakaraming premyo.
Ipinakita ng pelikula ang buhay ni Rizal, mga gawa niya at kung paano nakaapekto at nakaimplwensya nag mga ito upang lalong mag-igting ang rebolusyon.
“Itinaas ko ang tabing ng kurtina upang itambad ang nasa likod ng mapanlinglang na luning-ning na salita ng pamahalaan….Inilahad ko ang kawawang kalagayan ng aking bayan – ang aming karaingan at kalungkutan.”
Ito ang isa sa mga paborito kong winika/sinulat ni Rizal sa bandang unahan ng pelikula. Ito mismo ang kabuuan ng kanyang mga naisulat at nagawa para sa Pilipinas. Bilang isang optalmologo, doktor na gumagamot ng mga bulag upang makakita, ito rin ang naging papel nya sa bansa. Binuksan niya ang mga mata na nabubulagan sa mga pang-aapi ng España.
Ipinakita sa pelikula kung gaanong mapagmahal na anak at kapatid si Pepe. Nung bata palang siya ay hindi na siya pumapayag na tinutukso ng masama ang kanyang magulang. Nagalit siya ng tinukso siya na di pinapakain ng nanay at unano ang kanyang tatay. Isa din sa mga lubhang ikinagalit ni Rizal ay ng ipinatapon ni Pdre Damaso ang bangkay ng ama sa ilog. “Sinong anak ang hindi magagalit?” Ang sanabi nyang ito ay masyadong umigting sa puso ko. Tama si Rizal. Masakit para sa isang anak, lalo na sa isang mapagmahal na anak ang ginawa nila. Bilang kapatid, maganda ang naging relasyon ni Rizal sa mga kapatid nya lalo na kay kuya Paciano niya. Si Paciano ang nagpakita sa kanya ng pagiging makabayan, ipinakita ang pagkaapi ng bayan at siya ding mag-udyok sa kanya na pumunta ng España upang mag-aral. “Patuloy mong ilantad sa buong mundo ang ating hinaing,” ika ni Paciano. Nakakaiyak ang huling pagkakaharap ni Rizal at ng kanyang ina na hindi man lamang niya nayakap ng mahigpit at ng matagal.
Ipinakita din sa pelikula kung paanong naging mangingibig si Rizal. Ito yata ang naging kahinaan ni Rizal sa buhay niya. Pero kahit na maliit lamang itong si Rizal ay marami talagang babae ang nahahalina sa kanya. Makata din siya sa kanyang mga iniibig. Tulad nlng ng eksena nila ni Leonor Rivera. Hindi ko lang masyadong nagustuhan na naging liberal ni Rizal sa pag-ibig sa pelikula. Masyadong malapit ang pagitan ni Rizal at Leonor. Hindi napakita ang pagiging dalagang Pilipina ni Leonor at hindi ba dapat ay conserbatibo pa noong mga panahong iyon.
Madali ding maging kaibigan si Rizal, tulad nalang ng makagaanan siya ng loob ng nagbabantay sa kulungan. Maaalahanin din siya at mapangaral. Gusto ko din ng maging magkaibigan si Rizal at si Luis Taviel de Andrade. Nagalit si Taviel ng matalo ang kanilang kaso. Di umanoy mas galit pa siya kaysa kay Rizal, ikinahihiya nya daw ang mga Kastila. Nagustuhan ko kung paanong magaling na nagampanan ni Jaime Fabregas ang papel ni Taviel. Seryoso ang motibo niya na maipagtanggol ang kaso ni Rizal. Nakakaiyak din ang huling pagkakamay ni Taviel at Rizal na nagpapakita na naging tunay na magkaibigan ang dalawa. Hindi rin iniwanan ni Taviel si Rizal hanggang sa huli.
Ipinakita din sa penikula ang pananaw ni Rizal sa humanidad. Sinabi niyang kailangan mo munang irespeto ang iyong sarili upang irespeto ka ng iba. Nahahawig ito sa isinulat niya sa Mga Kababaihan ng Malolos na, “Ang iniaalipusta ng isa ay nasa kakulangan ng pagmamahal sa sarili at nasa kalabisan ng pagkasilaw sa umaalipusta.” Tinuruan niya ang mga Pilipino na wag pumayag ng basta basta na lamang na inaapi.
Nang nililitis na sya, kahit na alam ko na ang mangyayari ay nais ko parin na mapawalang sala siya. Si Rizal ay dumaan sa hindi makatarungang hukom at masyadong minadali ang kaso. Bago siya patayin, iniisip ko na baka naman maaari pa ding ibahin ang desisyon ng korte. Ayaw ko siyang mamatay tulad na lamang ng ayaw din nating mamatay ang bida sa mga iba pang pelikulang pinapanood natin. Ngunit tapos na ang historya.
Tulad ng mga Rizalista sa Banahaw, napansin ko na may pagkakahawig ang pagkamatay ni Rizal kay Jesus. Pareho silang dumaan sa di makatarungang hukom ng sila ay nililitis at pareho silang pinatay sa harap ng maraming tao. Bago mamatay si Jesus, sinabi niyang “Tetelestie” an ibig sabihin ay naganap na. Si Rizal din naman ay nagsabi ng “it is done”. Parehong may misyong natapos na. Pero, dun lang…hindi pa rin syempre napantayan ni Rizal ang mga nagawa ni Jesus.
Naging isang inspirasyon si Rizal sa mga Pilipinong lumaban pa lalo para sa kapayapaan at kalayaan. Noong nabubuhay pa lamang siya ay ginagamit na ang pangalan niya sa katipunan bilang password at ang larawan niya ay nakasabit sa ding-ding ng kanilang pinagtitipunan. Kasama rin sa isinisigaw nila ang “Mabuhay si Dr.Jose Rizal.” Tumimo din sakin ang sinabi ng gobernadorcillo ng kinukumpiska ang libro na isinulat ni Rizal. Sinabi niya, “Makukumpiska at masususnog ang lahat ng aklat na iyan subalit ang katotohanang sinasabi ng aklat na iyan ang nagpamulat sa puso at isip ng lahat ng nakabasa nyan. Hindi nyo mananakaw kahit kailan.” Eto rin ang naging epekto ng mga naisulat ni Rizal sa mga Pilipino noon. Tunay nga na nabuksan ang kanilang mga isipan at ang pagkamatay ni Rizal ang mas nagpaalab ng himagsikan, ang nag-udyok sa rebolusyon na lalong mag-igting.
Tunay nga na si Rizal ay maipagmamalaki ng mga Pilipino sa iba pang mga bansa. Wala pa ring Pilipinong nakapapantay sa kanya.
6 comments:
it should be in english format.,,ano ba yan.,,
u're a great blogger :)
nice blog
ang ganda ng mga sinabi mo especially when you cited the first lines on the movie..actually we are having a analysis paper now about the same film, & I found ur blog very interesting.. by the way I used the lines I'm pertaining to you earlier to my paper because it's so beautiful..!
thank u, keep it p :))
_vaLerie
Ganda dude so inspiring
v.good blog ^_^tnx
Hm! In English ha? Bakit? Taga ibang bansa ka ba?? EhbTamkng PiLipino ka!
thanks for this, I've been having a hard time what to put in my reaction section about sa movie for my project s Rizal, big help to promise, God bless!!!
Post a Comment