Isa sa mga natutunan ko sa pag-aaral sa unibersidad na ito ay dapat laging maging kritikal sa mga bagay bagay. Hindi dapat na basta nalang tinatanggap ang kung ano mang bagay na sabihin. Gayun pa man, ang sulating ito ay tatalakay ng parehong panig kung totoo nga ba ang retraksyong ginawa ni Rizal isang araw bago siya barilin sa Bagumbayan.
I declare that I am a Catholic, and in this religion, in which I was born and educated, I wish to live and die.
I retract with all my heart anything in my words, writings, publications and conduct that has been contrary to my character as a child of the Church. I believe and profess what it teaches. I submit to what it demands. I abominate Masonry as an enemy of the Church and as a society prohibited by it.
The Diocesan Prelate, as the superior ecclesiastical authority, may make this manifestation public. I declare this spontaneously, in order to repair any scandal which my acts may have caused and so that God and man may pardon me.
Jose Rizal
(Zaide,1961)
Ayon sa akdang “The Pride of the Malay Race: A Biography of Dr. Jose Rizal” may mga pangyayari sa kasaysayan na salungat sa sinasabing retraksyon na ginawa ni Jose Rizal.
Una, ang dokumento ng retraksyon ay itinago ng pagkahaba habang panahon at walang iba kundi ang mga autoridad lamang ang may karapatan na tumingin at makakita nito. Inilabas nga ito sa dyaryo ngunit wala itinago naman ang pinaka orihinal.
Ikalawa, nang hingin ng mga malapit na kamag-anak ni Rizal ang dokumento pati ang dokumento na nagpapatunay ng kasal ni Jose Rizal at Josephine Bracken ay hindi nila ito ibinigay pareho.
Ikatlo, kung sakaling totoo man ang retraksyon ay kinuwestiyon ni Ozeta (1949) kung bakit hindi pa rin binigyan ng magandang lamay si Rizal kasama ang kanyang mga malapit na kamag-anak at sa halip ay sa mga malapit lamang na kaibigan ng mga prayle ito inilagi bago ito ilibing.
Pang-apat, walang ni isang katoliko na makapagpatunay na ang lamay ay dinaluhan ng mga iba pang Katoliko.
Panlima, hindi tinuturing na isang Katolikong Sementeryo ang pinaglibingan kay Rizal at ang lugar na pinaglibingan sa kanya ay hindi man lamang nilagyan ng Krus sa ibabaw at tanging ang kanyang mga malapit an kamag-anak ang nakakaalam sa lugar.
Pang-anim, ang pangalan ni Jose Rizal sa listahan ng mga namatay noong Disyembre 30, 1896 ay hindi kasama at ito ay nasa isang especial na pahina kung saan naroon an gang especial na utos ng mga awtoridad. Kasama ni Rizal sa listahan ay ang isang taong hindi na makilala dahil sa ito ay namatay sa pagsunog sa kanyang katawan at ang isa pang lalaki na namatays sa pagpatay sa sarili. Kung tutuusin, gusto ipakita dito ni
Ozaeta na ang mga kasam ni Rizal sa listahan ay ang mga hindi Katoliko at ang mga ito ay mga namatay sa mga di maganadang kaparaanan at isa pa ang mga ito ay hindi nabigyan ng Kristiyanong libing.
Pangpito at ikahuli, sinabi rin ni Ozoeta sa kanyang akda na walang dahilan o motibo na maaaring maging dahilan ng retraksyon ni Rizal. (Ozoeta, 1949)
Ang mga argumentong ipinakita ni Ozoeta sa akdang ito ay mahina kung ikukukmapara sa akda ni Jose Hernandez na nagpapakita ng mga ebidensya.
Ang unang ebidensya na ipinakit ni Hernandez ay ang sinasabi niyang sa batas ay ang pinakamatibay rin na ebidensya. Ito ay ang mismong dokumento. Hindi lamang basta naglalaman ang dokumento ng pirma ni Rizal kundi ang buong dokumento ay naglalaman ng sulat kamay ni Rizal. Ang dokumento rin ay napag-aralan na ng mga eksperto. Isa sa mga ito ay sina Dr. Jose Del Rosario na ayon sa kanya ang dokumentong ito ay totoong sulat at pirma ni Rizal. Dahil sa Katoliko at taga-Ateneo si Dr. Del Rosario ay walang duda na pagdududahan ng pag-aaral na ginawa niya sa dokumento kung wala ba itong kinikilingan. Ang isa pa sa mga nag-aral ukol sa dukumento ay si Professor Otley Beyer na isang propesor, hindi taga-Ateneo at hindi rin siya isang Katoliko. Mainam
Ang ikalawang ebidensya na ipinakita ni Hernandez ay sinabi niyang direktang ebidensya. Ito ay ang testimoniya ng mga taong sinasabing nakasaksi nang ginawang retraksyon ni Rizal. Ang mga ito ay sina Father Viza, Fr.Pio Pi, Fr. Silvino Lopez Tunon, Archbishop Bernardino Nozaleda Gen. Rafael Dominguez, Fiscal Gaspar Castaño, Father Rosell, Father Vicente Balaguer, Luis Taviel De Andrade at Father Tomas Feijoo. Sabihin na nating maaring ang mga prayle ay hindi maging kapani-paniwala ang testimonya dahil sa prayle sila at maaring may maitim na dahilan at
Ang huling ebidensya na ibinigay ni Hernandez ay ang tinatawag niyang circumstantial na ebidensya.
Ayon sa kanya ang buong retraksyon ay inilathala sa dyaryo kinabukasan ng pagkakapatay kay Jose Rizal. Pinagtibay niya ang argumento na nabasa naman daw ito ng mga kaaway ng simbahan, ng mga mason, ngunit wala namang mga reklamo na narinig mula sa kanila. Maaring ang mga ito ay naniniwala sa retraksyon na ginawa ni Rizal at wala naman kailangang kuwestiyunin. Kahit ang mga kaibigan ni Rizal ay wala ring nagprotesta pagpapatibay pa uli ni Hernandez.
Isa pang ebidensya na ipinakita ni Hernandez ang nagpatibay at nakatulong na lalo pa ako maniwala sa retraksyon na ito ni Rizal ay ang pamphlet na ipinamigay noong February 28, 1897, ilang buwan makalipas ang retraksyon ni Rizal. Ito ay pinamagatang “La Politico de España en Filipinas” nakapaloob dito ang retraksyon ni Rizal kabilang ang sa iba pa na tulad ng kina Francisco Rojas, Ramon Padilla, Luis Villareal, Fustino Villareal, Moises Salvador, Jose Dizon, Antonio Salazar, Geronimo Cristobal, Medina, at General Antonio Luna.
Sumasang-ayon ako kay Hernandez na kung gawa gawa lang ang retraksyon ni Rizal ay hindi na kailanagan pang lokohin ang retraksyon na ginawa ng iba. Ipinapakita lamang dito na possible talaga na ang sulat na ginawa na iyon ni Rizal dahil hindi lamang siya at marami rin ang sumunod sa kanya o nagkataon na gumawa rin ng kanilang mga retraksyon na sulat laban sa Mason.
Ang panghuli na bibigyan ko ng diin ay ang pagkakakasal ni Jose Rizal at Josephine Bracken sa umaga ng bago siya patayin na may ebidensya ng parehong direkta at circumstantial. Ito ay sinabi ni Josephine Bracken at ng paring nagkasal sa kanila pati ng ilang saksi. At isa pa, sa libro ni Kempis na pinamagatang “Imitation of Christ” ay tinawag ni Rizal si Josephine na “To my dear and unhappy wife”. Sa ibang akda sinasabing di kapanipaniwala ang mga testimonya ni Josephine pero kahit ano pa amn ay naniniwala ako sa retarksyin an ginawa ni Rizal.
Isa pa sa mga napapansin ko sa mga pelikula ay mayroong
Sumasang-ayon ako kay Locsin 1978 na matalino si Rizal ngunit alam ni Rizal na ang talino niya ay hindi makapagliligtas sa kanya pero binigay parin sa kanya iyon ng Diyos. Alam ko din na naniniwala si Rizal sa Diyos ngunit ayaw niya ng sistema ng mga prayle hindi ng sistema ng Diyos. Kaya tulad nga rin ng nabanggit ni Locsin, nais ni Rizal na mahanap ang daan patungo sa Diyos sa kanyang kaparaanan ng hindi dumadaan sa mga mapanirang mga prayle.
Hindi naman nakakabawas sa pagkatao, pagka-Pilipino at pagkabayani ni Rizal ang retraksyong ito na ginawa niya. Sa kabilang buhay ay hindi naman siya ililigtas ng mga isinulat niya at ng talino niya.
Kung susuriin din mismo ang kanyang liham ay ang mason lamang naman ang kanyang binibitawan hindi ang kanyang pagiging nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Nagawa na niya ang mga dapat niyang gawin para sa bayan at ginawa niya ang retraksyon para sa kaniyang sarili. Para sa kanyang buhay sa kabilang buhay.
Kahit sa huling hugto ng kanyang buhay ay ipinakita pa rin niya ang pagiging isang ehemplo kaya naman marimi ang sumunod sa kanya na gumawa ng sulat ng retraksyon sa mason.
Matalino si Rizal, alam niyang may Diyos, maaaring ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit panatag na ang kalooban niya simula ng gumising siya sa araw na yaon ng pagbitay sa kanya. Ito ay dahil sa inilagak na niya ang kanyang buhay kay Hesus at ganon din para sa bayan.
Bibliography
Ozaeta, R. (1949). The Pride of the Malay Race: A Biography of Jose Rizal.
Hernandez, Jose, E. A. De Ocampo & Z. C. Ella. (1950). Rizal Caravan.
Locsin, T. (1978). The Heroic Confession: A Novel.
Zaide, G. F., Ph.D. (1961). Jose Rizal: Life, Works, and Writings.
Cavanna, J. M., C.M. & C. da Silva. (1961). Most Contested and Ever Incontestable, The Story of Rizal’s Retraction and the latest Canards around it.