Sunday, October 01, 2006

Movie Review: Bayaning Third World

Ang penikulang “Bayaning Third World” sa direksyon ni Mike De Leon ay isang pelikula na nagpapakita ng pagiging kritikal at hindi basta basta pagtanggap ng mga bagay na nakasanayan. Bukod sa ang Pilipinas ay kabilang sa Third World, o dun sa mga bansang nasakop ng mga kanluranin noong panahon ng merkantilismo at ngayon ay napag-iiwanan ng mga kabilang sa First World, ang ibig sabihin din ng penikulang ito, si Rizal bilang Third World ay marupok. Ito ay ipinakita ng mabasag ang figurine na nasa imahe ni Rizal.
Hindi ordinaryo ang pelikulang ito. Dito ipinakita ang mga kahinaan ni Rizal at na wala siyang ipinagka-iba sa mga iba pang bayani. Hindi ito tulad ng mga ibang penikula ni Rizal na puro papuri at puro mga magagandang bagay ang ipinapakita. Dito rin kinuwestiyon ang relasyon ni Josephine Bracken at Rizal. Sinasabing napakamalas ni Josephine Bracken na nagging ka-relasyon niya si Rizal dahil naman kasi sa kung sino ang mga taong nakakahalubilo ni Rizala ay nasasama sa historya at ganun din kay Josephine Bracken na naugat pa ang kanyang pagkatao. Pati ang relasyon nila ay kinuwestiyon at pinaghihinalaan siyang espiya lamang ng mga prayle kay Rizal. Masakit ito para kay Rizal. Ano man ang katotohanan si Jopsephine Bracken lang ang may alam. Katotohanan? Sinasabi nga rin palang sinungaling daw itong si Josephine Bracken dahil sa hindi magkaktugma ang mga pahayag nitong si Josephine Bracken. Tulad na lamang ng pagsabi niya na ikinasal sila nguinit wala naman siyang mailabas na dokumento. Wala talaga siyang habol sa mga naiwan ni Rizal dahil hindi talaga sila kasal at nagsama lamang ang dalawa. Ipinapakita sa ibang pelikula na ikinasal nila ang kanilang sarili sa ilalim lamang ng puno dahil na rin ayaw silang ikasal ng simbahan dahil si Rizal ay isang Filibustero.
Sa pamamagitan ng pagsasadula ng pagpunta nila Ricky Davao at Cris Villanueva sa kapanahunan ng pagkabuhay ni Rizal, naipakita ng malinaw ang mga saloobin ng mga tauhan at ang gusting ipakita ng director.
May mga katatawanan din na tulad ng paggamit ng mga patalastas. Sinasabi kasing si Rizal ay ipinangalan na sa lahat ng mga pwedeng ipangalan. Nakakatawa lang ang paggawa ng patalastas na deodorant.
Nagpakita din sila ng mga alternatibong pangyayari bago ang pagkamatay ni Rizal sa mga nakakatawang eksena.
Naging maganda ang kabuuan ng pelikula. Naging malaman ito at edukasyonal pa rin ang dating nito.
Naniniwala ako na hindi maganda na puro na lamang mga magagandang bagay ang naririnig at nalalaman kay Rizal dahil ito ang nagdudulot sa ilang mga Pilipino na sambahin siya at gawing santo. Mainam na balanse ang mga bagay na nalalaman natin tungkol sa buhay ng isang pambansang bayani dahil kahit na siya ang pambansang bayani ay simpleng tao pa rin siya. At kapag nalaman at naiintindihan natin na simpleng tao rin siya, maiisip natin na kaya rin nating gawin ang mga nagawa niya at na hindi siya mahirap abutin.

4 comments:

Anonymous said...

hello....

Anonymous said...

thanks so much!! :)

Anonymous said...

the movie is beautiful..that even the young ones nowadays are entertained..it is also educational..

Anonymous said...

Hindi ba, "binasag" at hindi "nabasag" ang figurine ni Rizal?